Wednesday, August 16, 2006

huwaw

sa totoo lang, ngayon lang uli ako nabagabag nang ganito. Hindi ko alam kung bakit ito nararamdaman ko ngayon. Siguro dahil maliban lang sa sampung minutong tulog sa tambayan, tuloy tuloy lahat ng mga gawain ko ngayon. Alam ko madalang ko lang gamitin ang rason ng "pagod" pagdating dito, (kasi naman, kelan ba ako napapagaod? Apparently, posible pala ang ganitong klaseng pagod), kaya siguro kaya ko pagbigyan sarili ko. Pero hindi eh. Hindi ako naniniwala sa mga rason, sa mga dahilan.. kung gusto mo, may paraan. kung ayaw, maraming *toot* dahilan. Hindi ko kayang gamitin ang pagod (o kung anuman bilang excuse, kung tutuusin nga dapat wala nga akong excuse eh), pero putek. Paano ako naging ganito? Yung mga ginawa ko nang nakaraan, di ko na magawa ngayon. Kung paano ako dati, sobrang ibang-iba ako ngayon.

Ang daming nangyari ngayon (actually, ang daming nangyayari ngayon) na napaisip ako ng todo. Mabuti naman yan, diba? Kesa naman wala akong ginagawa. Pero putek, hanggang kailan ko ba to kailangan pag-isipan? Kulang talaga lahat ng mga aksyon/gawain ko. Parang napapansin ko na napapansin ng mga myembro na parang wala akong ginagawa. Wala ba? Alam ko marami akong pagkukulang, pero hindi ko to bibitawan (?) nakakapagod siya talaga pero solusyon ba to? Shet. Mali ang unang sinulat ko. Natakot ako dun ah. Ba't ako napaisip ng ganyan? Umabot na ba sa ganyang lebel na iyun na ang iniisip mo? Huwag. Pero sige. Sa dami-dami kong naririnig, sa dami-daming pagpapaliwanag, eh di dapat nakahanap nako ng solusyon. Tinatanggap ko lahat ng mga sinasabi ng iba, pinapakinggan ko lahat nang sinasabi ng iba, pero hanggang dun lang ba talaga ako? Doon lang ba ako magaling? Sa pakikinig? Bakit yun ang nararamdaman ko? Na puro isip at salita lang ako. Walang aksyon. Wag naman sana.

Grabe. Ang galing mo talaga. Amg galing mo umiwas. Ba't ka ba natatakot? Hindi ka naman ganyan dati eh. Ano ba. Umayos ka na. Wag ka na magreklamo at gawin mo na ang mga kailangan mong gawin. Dapat manggaling sa yo yan eh.

Punyeta. Dapat alam ko na to e. Wala akong excuse para di ko siya malaman. Pero bakit eto nararamdaman ko? Na parang ngayon lang ako nakaranas nito o na parang ngayon ko lang siya na-encounter sa buhay ko. Eh hindi naman eh. Ikaw dapat. Sa lahat ng tao, ikaw dapat ang nakakaalam kung ano dapat gawin. Hello! O ang feeling ko lang ba? Masyado ba akong feeling? Hay. Kung sinuman ang nakakabasa nito, pasensya na sa aking tagalog. Tama ba naman to? Na ipost ko lahat ng nararamdaman ko ngayong araw na to. Bakit, ano bang masama sa emosyon? Ang importante lang naman ay kung ano ba gagawin mo sa mga emosyon na yun? Naks. Parang alam talaga kung ano sinasabi ko.

Wag na. Magbagong buhay ka na. Walang mapapala kung ganito ka lang. Okidoks? Shet. Lalong sumakit ulo ko.

No comments: